We will always try to update and open chapters as soon as possible every day. Thank you very much, readers, for always following the website!

Nang Namulat Ang Kanyang Mata

Kabanata 7
  • Background
    Font family
    Font size
    Line hieght
    Full frame
    No line breaks
  • Next Chapter

Kabanata 7 .

Hindi password protected ang computer kaya walang kahirap-hirap itong nagbukas.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Avery. Huminga siya ng malalim at nagmamadali niyang isinaksak

ang USB drive at nag log in sakanyang email.

Pagka logged in niya, wala na siyang sinayang na oras pa at sinend kaagad ang file sa classmate

niya.

Hindi niya rin alam kung bakit, pero sobrang bilis ng lahat kaya bago pa man mag’tanghali ay tapos na

siya.

Wala ng balak pang manatili ng mas matagal si Avery sa study room, kaya dali-dali niyang pinindot ang

shut down, pero sa sobrang pagmamadali ay may isang file siyang nabuksan…

Bigla siyang natigilan at nang sandaling magbukas ang file, biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa

nakita niya.

Pagkalipas ng limang minuto, lumabas si Avery ng study room.

Nakahinga ng maluwag si Mrs. Cooper at sinabi, “O diba? Sabi ko naman sayo hindi babalik si Master

Elliot kaagad eh.”

Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Avery. Pakiramdam niya ay nalaman niya na ang pinaka

madilim na sikreto ni Elliot.

Pero… hindi naman talaga dapat niya pinakielaman ang computer nito.

.

“May mga surveillance camera ba sa loob ng study room, Mrs. Cooper?” Tanong ni Avery.

“May isa sa labas ng study room.” Sagot ni Mrs. Cooper.

Biglang namutla ang mukha ni Avery.

“So… siguradong malalaman niya na pumasok ako sa study room…”

“Sabihin mo nalang sakanaya mamaya pag uwi niya. Isa pa, wala ka pa ngang ten minutes sa loob

kaya sa tingin ko hindi naman siya magagalit.” Pagpapanatag ni Mrs. Cooper.

Noong oras din na yun, biglang nag alert ang phone ni Avery, sinilip niya ito kaagad at nakita niya ang

notification ng wire transfer.

Sinendan siya ng classmate niya three hundred twenty dollars sakanyang bank account.

Hindi siya umasa na ganun kalaki ang ibabayad sakanya. Dalawang oras niya lang ginawa pero three

Follow on NovᴇlEnglish.nᴇt

hundred twenty dollars kaagad ang kinita niya!

Dahil sa perang natanggap, bigla siyang napanatag.

Hanggat maari, ayaw niya naman talaga sanang gamitin ang computer ni Elliot, at wala din siyang

balak na makita kung anuman ang nakita niya.

.

Tama… ang pinaka maganda niya talagang gawin ay ipaliwanag kay Elliot ang nangyari at magdasal

ng matindi na wag ‘tong magalit sakanya.

Pumayag na siya sa divorce at sa oras na matapos ang lahat ng proseso, sisiguraduhin niyang hindi

na sila magtatagpo ng landas kahit kailan.

Kahit gaano pa man kalala ang mga sikreto nito, labas na siya dun.

Pagkatapos mananghalian, nagkulong na si Avery sa guest room.

Umupo siya sa vanity habang nakatitig sakanyang flat na tiyan sa salamin. “Ayaw rin naman talaga

kitang mawala, baby, pero lalo lang kasing magiging mahirap ang buhay mo kapag hindi ko yun

ginawa…”

Siguro isa na rin sa mga epekto ng pagbubuntis niya, hindi namalayan ni Avery na nakatulog na siya

sa lamesa.

Pero bigla siyang nagising at napatalon sa gulat nang may narinig siyang yabag ng mga paa mula sa

labas ng kwarto.

At bago pa man din siya kumalma, biglang nagbukas ang pintuan.

“Madam,” Bakas sa itsura ni Mrs. Cooper ang sobrang takot. “May ginalaw ka ba sa comnputer ni

Master Elliot?”

Noong oras na ‘yun, pakiramdam ni Avery ay malalaglag ang puso niya. Halos hindi siya makapag

salita.

“Na… nakauwi na ba siya? Alam niya na ba?”

Nanginginig sa takot si Mrs. Cooper na nagpatuloy, “Diba sabi mo magsesend ka lang file? Ang sabi ni

Master Elliot may ginalaw ka daw. Galit na galit siya aty nagwawala ngayon sa study room! Hindi ko

alam kung paano kita maipagtatanggol sa pagkakataon na ito, MAdam!”

Kung nattaakot si Mrs. Cooper, triple ang takot na nararamdaman ni Avery. Sobrang bilis ng tibok ng

puso niya at para bang gusto na niyang bigla nalang siyang maglaho.

Isa lang ang naiisip niyang kahihinatnan niya ngayon: Patay siya!

Sa puntong ‘to, baka hindi na nila kailangan pang mag divorce dahil papatayin na siya ni Elliot!

Hindi na napigilan ni Avery ang sarili niya at tuluyan na nga siyang humagulgol.

“Sorry… sorry Mrs. Cooper. Hindi ko naman sinasadya na may magalaw. Nanginginig kasi yung kamay

ko nung ishushut down ko na ang computer niya, kaya may aksidente akong nabuksan. Pangako, hindi

ako tumingin. Shinut down ko talaga…”

Naniniwala naman sakanya si Mrs. Cooper, pero anong magagawa nito?

“Sinigawan niya ako. Sa kutob ko, baka mawalan na ako ng trabaho dahil dito.”

Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Avery. Siguro makakayanan niya pang tanggapin ang parusa ni

Elliot sakanya, pero ang idamay pa si Mrs. Cooper sa kasalanang siya ang gumawa, hindi niya kaya

yun.

Nagmamadali siyang lumabas ng guest room para magpaliwanag kay Elliot.

Sakto, biglang nagbukas ang elevator, at ang isa sa mga bodyguard ni Elliot ay tulak tulak ang

wheelchair nito.

Tatlong palapag lang ang taas ng mansyon, pero mayroon itong elevator.

Nakatingin lang si Avery sa taong nakaupo sa wheelchair. Sa mga mata palang nito, halatang galit na

galit na ito.

Nakutuban niya ng magagalit ito pero hindi niya naman inakala na talagang magwawala ito”

“Patawarin mo ako, Elliot.” Halos hindi makapag salita si Avery sa sobrang takot. “Nasira kasi yung

laptop ko, kaya ginamit yung computer mo ng walang permiso. Walang kasalanan dito si Mrs. Cooper.

Sa totoo lang, pinigilan niya nga ako eh pero hindi ako nakinig sakanya.”

Inako ni Avery ang lahat ng kasalanan.

Huminto sa pagtulak ng wheelchair ang bodyguard nang makarating sila ng sala. Nakatingin lang si

Avery kay Elliot.

Galit na galit ito…

“Patawarin mo ako.” Muling sabi ni Avery na wala ng mapaglagyan ng takot.

“Nakita mo ang lahat, hindi ba?” Walang emoyson na tanong ni Elliot.

Magkahawak ang mga kamay ni Elliot, indikasyon na sobrang nanggigil ito.

Siguro kung kaya lang niyang tumayo, nabalian nna niya ito ng leeg.

Yang bobong babae na yan!

Ano bang tingin niya sa sarili niya? Asawa ko talaga?

Anong karapatan niyang pumasok sa study room ko at galawin ang mga gamit ko?

Bwisit!

Follow on Novᴇl-Onlinᴇ.cᴏm

Tumungo si Avery bago siya nagmamadaling umiling. “Oo pero… wala akong maalala. Noong nakita

kong nagbukas yung file, shinut down ko kaagad. Pangako, wala akong binasang kahit ano.

Kinakabahan kasi ako noong oras na yun, kaya hindi ko rin alam kung paano ko nabuksan yung file na

–”

“Tahimik!” Galit na galit na sigaw ni Elliot. Lalo lang siyang nagagalit habang pinapakinggan ang

palusot nito.

“Magkulong ka sa guest room at wag na wag kang lalabas hanggang matapos ang divorce!”

Marami pa sanang gustong sabihin si Avery pero hindi nalang niya tinuloy.

Bagkus, nagmamadali siyang tumakbo papunta sa guest room.

Ramdam na ramdam niya kung gaano kagalit sakanya si Elliot.

Nang sandaling isarado ni Avery ang pintuan, walang emosyong sinabi ni Elliot kay Mrs. Copper, “Wag

niyo siyang bigyan ng pagkain.”

Balak niya bang ihouse arrest si Avery at patayin ito sa gutom?

Sobrang naawa si Mrs. Cooper kay Avery, pero hindi naman niya pwedeng suwayin si Elliot.

Sa mansyon ng mga Foster, ang mga salita lang ni Elliot ang mahalaga.

Pagkalipas ng dalawang araw, stable na ang blood pressure ni rosalie, at pwede na siyang lumabas ng

ospital.

Walang pagdadalawang isip itong dumiretso sa mansyon ni Elliot.

“Kamusta ka na, Elliot? Anong sabi sayo ng doktor? Kailan ka raw makakatyo?” Hindi mapantayan ang

saya ni Rosalie habang kausap ang anak.

“Ang sabi ng doktor mabilis naman daw ako magrecover. Siya nga pala, may kailangan tayong

pagusapan, Ma.”

Ang abot-tengang ngiti ni Rosalie ay biglang nawala nang oras na yun. “Tungkol ba ‘to sa kasal mo?

Ako ang nag arrange nun. Sobrang baiut na bata ni Avey, gusto ko siya… Oo nga pala, nasaan siya?

HIndi mo naman siya pinalayas diba?”

“Hindi.” Sinenyasan ni Elliot si Mrs. Cooper.

Kaya nagmamadaling pumunta si Mrs. Cooper sa guest room para sunduin si Avery.

Dalawang araw ng hindi kumakain at umiinom ng kahit ano si Avery kaya sobrang nag’aalala na rin si

Mrs. Cooper para rito.